Eto na naman, move on! Matatawa
yung makaka relate sa mga pinagsa sabi ko for sure. Hirap naman kasi i-explain
ang love, ayun tuloy ang hirap i-explain san mo sisimulang mag move on.
Bakit ba kasi may mga
taong ganon? Oo ikaw yung nag alis ng letrang G sa salitang PAG ASA! Kapit lang
sa natitirang “sana”. Hirap kalimutan eh, O sadyang human nature na natin yung
pagta tama ng mali kaya try and try until you die ang eksena.
Ilang beses mo na ba psinych
yung sarili mo na “naka move on na ko” Ilang tao na yung sinagot mo na “ok lang
ako, adik!” sabay deadma sa mapang husgang tingin nila para lang maiwasan yung
sunod na tanong o kantyaw. Na master mo na yata ang segway. Eto pa masaklap, Ilan
beses ka na rin nagising ng parang hinihiwa yung dibdib mo sa saket? O umiyak
para lang makatulog tas pag gising mo umiiyak ka pa rin dahil sa puchang
panaginip mo na “kayo” na parang kahapon lang talaga, literal. Ilang beses ka
na napa iling sa mga eksenang nanahimik ka sabay may bagay na biglang makakapagpa
alala sayo sa kanya. Ilang barkada mo na ang nag sakripisyo ng atay nila para
lang samahan kang magpaka lunod sa sakit habang lumalangoy sila sa luha mo?
Sa dami, di mo na
mabilang. Tanong ko lang.. ilang beses pa ba? Kahit sya pa yung nagpapa saya
sayo, I let go mo na lang, wag mo na hintayin na puro sakit na lang
nararamdaman mo. Walang gamot sa pagiging tanga kundi ang pagku kusa.
Sa pagmu move on,
maraming goals. Una kalimutan mo yung pagmama mahal mo sa kanya, hindi yung
tao! Sinong niloko? Lika untog kita sa pader para instant – retrograde amnesia.
Real talk, naging part sya ng buhay mo eh.. di mo mabubura yun unless i-take mo
yung togmoron1000mg. Actually di lang naman about sa feelings eh, yung parte ng
sarili mo na nawala nung iniwan ka nya. Sabe ko exage yung nung iniwan mo ko,
gumuho ang mundo ko na phrase, di pala. Parang kulang yung kilos mo sa araw
araw kasi nasanay ka na gawin yung mga bagay kasama sya: Icelebrate yung lil
achievements mo, Iplano yung weekend nyo o bakasyon sa ganto, panoorin to, kaen
ng ganto sa ganyan, blah blah blah. Mahirap kasi I shift yung lifestyle mo pabalik
sa dati kasi naka move on na yung mundo, ikaw na lang hindi. Oo, tipong wala na
sya pero yung feeling mo sa kanya andun pa rin.
Di naman talaga siguro
nila tayo gustong masaktan at iwan, it’s just.. sa kanila, mas mahal nila yun. Ganun
talaga e, dun ka sa magiging Masaya ka. Kahit tayo din naman siguro kung tayo
yung nasa sitwasyon nila.
Para sa mga nagmu move
on: Tanggapin mo na lang. Ngitiian mo na lang yung mga memories nyo, distansya
ka muna sa mga kanta/lugar/bagay at mga taong nakaka pagpa alala sa inyo. Madali
mag move on pag may someone special ka na pero payo lang.. Love when you’re
ready, not when you’re lonely.
Sa mga naka move on na, “Congrats!
Repeat until convinced. “
At pano nga ba malalaman
kung nka move on ka na? Walang signs, you will just know. Tipong ide dedicate
mo na yung song nyo sa bago mo, mae enjoy mo n yung sunrise habang ka holding
hands mo yung bago mo, familiar feeling ng pgka kilig mo and the like, kasi 3,5,10 years from now magi
iba na taste mo. Nothing is permanent in this world, makuntento ka na lang as to
where “your forever” leads you. Ganun talaga, di lang kasi puro saya ang
pagmamahal, sakripisyo at sakit din. Pero di ka naman talo if you love
completely. Sabe ko nga, ang true love, para sa matatapang lang. Hey warrior,
hinihintay ka na ng kasunod nya.. bilisan mo! Good luck! J

No comments:
Post a Comment